Samahang Basketbol ng Pilipinas, 95% nang handa para sa 2023 FIBA World Cup

Samahang Basketbol ng Pilipinas, 95% nang handa para sa 2023 FIBA World Cup

95% nang handa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup.

Ito ang kinumpirma ni SBP President Al Panlilio.

Ayon pa kay Panlilio, target ng koponan na maging pinakamagaling na Asian team, at makapagtala ng pinakamalaking pagdalo sa FIBA World Cup kung saan makakalaban ng Gilas ang Dominican Republic sa unang laro.

Ayon naman sa Deputy Event Director na si Erika Dy, puspusan na ang pagtatakda ng mga detalye batay sa pamantayan ng FIBA— mula sa paghahanda ng mga venue ng kumpetisyon hanggang sa logistical side na kinabibilangan ng itinerary at travel time schedules.

Umaasa naman si Panlilio na ma-break ng opening game ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan ang pinakamalaking attendance ng FIBA World Cup— ang USA-Russia finals noong 1994 na ginawa sa Toronto Canada na nakapagtala ng 32,616 attendance.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble