TINAGURIANG world’s biggest selling smartphone na ngayon ang iPhone ng Apple.
Sa datos ng International Data Corporation, natalo na ng iPhone ang Samsung matapos ang 12 taon na pagdomina nito sa titulo.
Noong 2023, nasa 234.6-M units ang nabenta ng iPhone kumpara sa 226.6-M units ng Samsung.
Sinasabing isa sa ilang rason kung bakit bumaba ang bentahan ng Samsung ay ang magandang pagtanggap din ng publiko sa Huawei.