San Jose del Monte, Bulacan, positibong makakamit ang highly-urbanized city category

San Jose del Monte, Bulacan, positibong makakamit ang highly-urbanized city category

WALANG aatrasan ang mga taga-San Jose del Monte City sa Bulacan na makuha ang inaasam na highly-urbanized city (HUC) category.

Ito’y kasunod ng pagtatapos ng botohan para sa plebisito nito na sabay rin sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) ngayong taon.

Eksaktong alas tres ng hapon nang magtapos ang botohan para sa BSKE.

Sa panayam ng SMNI News, positibo naman ang karamihan sa mga residente na makukuha ng kanilang lungsod ang hiling pagbabago.

Para kay Ariel, hindi na nito mahintay ang pagiging highly urbanized city ng kanilang lugar dahil na rin sa mga nakatakdang benepisyo na makukuha.

Habang ang magkakaibigang na nakapanayam ay lahat pabor sa nasabing panukala dahil na rin pakikinabangan nitong mga programa, para sa kanilang mga anak at pamilya.

Noong Disyembre 2020, ipinroklama ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang highly-urbanized city sa bisa ng Proclamation No. 1057.

Kailangan na lamang na bumoto ng YES ang mga taga-San Jose del Monte sa panlalawigang plebisito upang maging ganap na HUC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter