San Jose Del Monte City, idineklarang “Human Resource Capital of the Philippines”

IDINEKLARA na bilang “Human Resource Capital of the Philippines” ang San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan.

Ito’y matapos na aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill (HB) No. 2378 o ang “An Act Declaring the City of San Jose del Monte in the Province of Bulacan As Human Resource Capital.”

Sa botong 220 kongresistang pumabor, walang tumutol at umiwas sa pagboto, ay ganap na naaprubahan ang nasabing panukalang batas.

Sa ilalim ng panukala na iniakda ni San Jose del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, isinasaad dito ang pagkilala sa SJDM ng gobyerno na lugar na pinaglipatan ng maraming mga tao.

Kabilang sa mga taong lumilipat sa nasabing lungsod ang mga informal settlers sa Metro Manila.

Ang panukalang ito ay maaaring gamitin ng pamahalaan para sa programang pagsasanay sa kaalaman at kabuhayan.

SMNI NEWS