INILUNSAD ng San Juan City at Ilocos Norte ang Producers 2 Consumers (P2C) Program nitong Miyerkules.
Kasunod ng pagpirma ng isang memorandum of agreement (MOA) nina Ilocos Norte Governor Matthew Marcos at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Ayon kay Zamora na dahil sa P2C Program, direktang makakabili ang mga residente ng San Juan ng iba’t ibang de-kalidad na mga produkto mula sa mga Ilocano MSMEs at magsasaka sa murang halaga. Producers 2 Consumers
Dagdag ng alkalde na kada buwan ay tutungo sila sa San Juan upang dalhin ang kanilang mga paninda gaya ng native delicacies, handicrafts, fresh produce, at iba pang produkto ng kanilang probinsiya.