IDINEKLARA nang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang San Juan City.
Ito ang kauna-unahang lungsod sa Metro Manila na idineklarang drug-free.
Taong 2023 pa lamang ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora nang maabot nila ang 100 percent drug-cleared status sa lahat ng mga barangay.
Nilinaw naman ng alkalde na hindi lang dito magtatapos ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga.
Strikto pa rin nilang ipatutupad ang mga batas, community-based rehabilitation at mga programa sa preventive education.