MAMAMAHAGI ng food packs ang San Juan City government sa kanilang mga residente simula ngayong araw.
Tinatayang nasa 45,000 packs ang handang ipamahagi ng pamahalaang lokal na naglalaman ng bigas, canned goods, gatas at mga COVID-19 health kits.
Schedule ng distribusyon ngayong-araw sa mga barangay ng Corazon de Jesus, Pasadena at Ermitaño na pangungunahan ni Mayor Francis Zamora.
Bago pa man ang food packs distribution ay namigay na ng mga tickets ang LGU sa mga residente upang makakuha sila ng ayuda.
Upang matiyak na masusunod ang health protocols ay nirequire ang mga residente na maglagay ng upuan sa labas ng kanilang mga bahay kung saan ilalagay ang mga nasabing food packs.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Francis Zamora sa mga organisasyon, corporations at mga indibidwal na namigay ng mga donasyon para mga apektadong residente. Umaasa ang alkalde na makatutulong itong food packs na ipamamahagi sa mga nangangailangang residente.
“The city of San Juan is grateful to the organizations, corporations, and individuals who extended a helping hand to our residents in this time of need. It’s still MECQ and many businesses are still not allowed to operate or are not in full operation, so I hope that these food packs will help our kababayans, who are in need, tide over this difficult period,”ayon kay Mayor Zamora.
Samantala, as of August 31, 2021, naipamahagi na ng San Juan City ECQ ang ayuda na nagkakahalaga ng P101,794,000 na pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office at ng City Treasury Office.