San Juan City Mayor, ipinag-utos ang regular na pagpapatrolya kontra kidnapping

San Juan City Mayor, ipinag-utos ang regular na pagpapatrolya kontra kidnapping

IPINAG-UTOS ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa lokal na pamahalaan ang regular na pagpapatrolya at koordinasyon sa mga paaralan sa gitna ng mga nararanasang kidnapping.

Ayon kay Mayor Zamora, ang lahat ng mga paaralang nag-ooperate sa San Juan ay dapat na makipag-ugnayan sa law enforcement agencies at barangay officials sa gitna ng sunod-sunod na kidnapping na naiulat sa Metro Manila.

Ipinagmalaki naman nito na ang security guards sa lahat ng mga paaralan sa San Juan ay sumailalim sa magandang training upang tumugon sa anumang insidente na mangyayari.

Ang bawat paaralan din ay may kanya-kanyang incident command center na konektado sa lahat ng peace and order entities sa lungsod.

Samantala, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na dapat pataasin ng pulisya ang kanilang visibility at tiniyak sa mga magulang na ginagawa ng lahat ng kinauukulang ahensya ang kanilang makakaya upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter