MULING idaraos ng pamahalaang lungsod ng San Juan, sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora, ang taunang ‘Kasalang Panlungsod’ ngayong “Valentine’s Day” sa San Juan Gymnasium.
Lalahukan ito ng 59 na magkasintahan, kabilang ang tatlong elderly couples na malapit nang ipagdiwang ang kanilang golden years.
Personal na pangungunahan ni Mayor Zamora ang seremonya, kasama sina First Lady Keri Zamora, Congresswoman Bel Zamora, Vice Mayor Angelo Agcaoili, mga Konsehal, at kinatawan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay Mayor Zamora, ang taunang mass wedding ay bahagi ng layunin ng makabagong San Juan na palakasin ang pagpapahalaga sa pamilya, pagkakaisa, at pagmamahalan.
Bilang bahagi ng selebrasyon, tatanggap ang bawat mag-asawa ng wedding cake, bouquet, handaan, at P5,000 para sa kanilang selebrasyon kasama ang anim na mga saksi.