San Juan City Science High School, gagawing quarantine facility

NGAYONG araw, nakipagsundo ang lungsod sa pamunuan ng San Juan City Science High School para gawin itong 100-bed isolation facility o kalinga center na pangangasiwaan ng city healths office at San Juan Medical Center kung saan may malaking bilang ng admission ng suspected cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kaya’t nangangailangan ito ng karagdagang pasilidad at kapasidad laban sa nakamamatay na virus.

Magsisilbi rin itong staging area bago tuluyang i-admit ang isang pasyente na may COVID-19 sa ospital.

Sa ilalim ng “Kalinga Kontra Korona” ng Alumni Association Xavier School, tutulong ito sa pagbibigay ng hospital beds, mobile x-rays, medical supplies, mga gamot, medical kasama na dito ang front-line personnel, kasabay na rin ng paglalaan ng pangunahing kailangan ng mga ito tulad ng pagkain, at tubig habang ginagamit ang pasilidad

Sa ngayon nakapagtala na ang lungsod ng 57 confirmed COVID-19 cases, na may 102 patients under investigation (PUI) at 222 persons under monitoring (PUM).

Ang lungsod ang pumapangalawa ngayon mula sa mga lungsod sa Metro Manila na may mataas na bilang ng COVID-19 cases na aabot sa 57 cases.

Pamimigay ng food packs ng lungsod ng San Juan, nagpapatuloy

Samantala, naipamahagi na sa mga barangay ang mga relief goods.

Pero nananatili pa ring kulang ang suplay nito sa dami pa ng mga hindi naabot ng tulong.

Ulat ni: Pol Montibon 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.