San Juan gov’t, pinayagan na ang 75% operational capacity ng ilang negosyo at sektor

PINAYAGAN na ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang 75 percent na operational capacity ng ilang negosyo at sektor sa lungsod.

Batay ito sa inisyung updated Executive Order No.64 Series of 2021 na ibinahagi ni Mayor Franciz Zamora sa kanyang social media accounts.

Ayon sa EO, kabilang sa mga negosyo na maaring mag-operate ng 75 percent ay mga barbershop at salons, testing and tutorial centers and review centers, pet grooming centers, travel agencies, tour operators, reservation services at related activities na may skeletal workforce on site at internet at computer shops.

Maaari na ring mag-operate sa 75% capacity ang mga hotel at room accommodations, restaurants at fast food establishments at mga accredited diplomatic missions and international organizations

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.