NAMAHAGI ng educational assistance ang San Juan City sa kanilang mga Persons with Disabilities (PWD) na mga mag-aaral.
Aabot sa 300 ang napiling benepisyaryo para sa nabanggit na ayuda.
Natanggap naman nitong Miyerkules, December 21, 2022 ang P4-K para sa bawat PWD student.
Saklaw sa assistance ang mga mag-aaral mula kinder hanggang kolehiyo sa lungsod.