WALA nang tsansa upang makapasok para sa playoffs sa 2025 East Asia Super League ang San Miguel Beermen.
Ito’y matapos natalo sila ng Hiroshima Dragonflies sa iskor na 94-63 sa kanilang naging laro nitong Miyerkules, Enero 8 sa Hiroshima Sun Plaza, Japan.
Sa katunayan, wala pang panalo ang San Miguel sa naging apat nilang laro at dalawang games na lang ang natitira para sa kanila.
Sa Pebrero 12 ay huling makakalaban ng Beermen ang Korean team na Suwon KT Sonicboom.
Ngunit bago pa man ang naturang game ay maglalaro muna ang Beermen kontra Hong-Kong based basketball team na Eastern sa PhilSports Arena bilang bahagi naman sa nagpapatuloy na 49th season ng PBA Commissioner’s Cup.