“SANA suportahan niya ang Ate Nancy namin”. Iyan ang panawagan ni dating Makati Mayor Junjun Binay sa kaniyang kapatid na si Mayor Abigail Binay kasunod ng paghain ng kandidatura sa pagka-alkalde ng kanilang ate na si Senator Nancy.
Mensahe niya naman sa kaniyang brother-in-law na si Congressman Luis Campos na posibleng tumakbo bilang alkalde sa Makati ay galangin ang desisyon ng kanilang ama na si dating bise presidente Jejomar Binay.