Sandara Park, ibinida ang kanyang pagiging “Pilipino” sa Dubai

Sandara Park, ibinida ang kanyang pagiging “Pilipino” sa Dubai

MULING ibinida ni Sandara Park ang kanyang nagmimistulang dugo ng pagiging Pilipino.

Sa Instagram post nito, ibinahagi niya ang isang video kung saan kinakausap niya ang isang Filipino waiter sa Dubai habang umo-order ng pagkain.

Bagamat kinakausap niya ang kanyang mga kasama sa salitang Korean at English, ayon kay Sandara, ginagamit niya ang salitang Tagalog dahil alam niyang maraming Pilipino ang nakatira sa Dubai.

Kung matatandaan, si Sandara Park, ay isang full-blooded South Korean singer at actress.

1994 nang nag-migrate ang pamilya nila sa Pilipinas mula South Korea.

Unang sumikat si Sandara sa Pilipinas matapos sumali ito ng Star Circle Quest noong 2004.

2007 nang bumalik si Sandara sa South Korea at 2009 nga ay nag-debut na ito bilang member ng K-pop girl group na 2NE1.

Ang kapatid niya na si Thunder ay member naman ng K-pop boy group na MBLAQ (read as m-black).

Sa kabila ng pagiging full-blooded Korean nito, makailang ulit na ring ibinida ni Sandara ang kanyang nagmimistulang dugo ng pagiging Pilipino kung kaya’t malapit din ito sa kanyang Filipino fans.

Samantala, kamakailan ay nag-perform ang 2NE1 sa Coachella 2022, matapos ang anim na taong pag-disband nito.

Kinanta ng grupo ang isa sa mga hit song nila na “I am the best”.

Follow SMNI NEWS in Twitter