Sandara Park, ikinatuwa ang cosplaying ng Pinoy fans sa 2NE1 members

Sandara Park, ikinatuwa ang cosplaying ng Pinoy fans sa 2NE1 members

IKINATUWA ni former 2NE1 member Sandara Park na may ilang mga Pilipino ang nag-cosplay o nagbihis bilang 2NE1 members.

Napansin ito ng Korean singer sa ilang Twitter posts.

Ayon kay Dara, napakagaling din pala mag-cosplay ng Pinoy fans.

Marami namang nag-komento na sanay magkaroon ng reunion ang 2NE1 members matapos ang kanilang disbandment noong 2016.

Matatandaang nagkaroon na ng mini-reunion ang 2NE1 noong 2022 nang isinama sila ng kapwa member na si CL sa isang performance nito sa Coachella Festival sa California, USA.

Ang 2NE1 ay binubuo nina Sandara, Cl, Minzy at Bom.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter