MAGIGING host ang full-blood South Korean ngunit ‘Pinoy at heart’ na si Sandara Park ng 2NE1 sa isang South Korea-Philippines Joint Survival Show.
Ang magiging show ay lalahokan ng 74 contestants na nagnanais makapag-debut sa isang upcoming 9-member boy group.
Kolaborasyon naman ang naturang show sa pagitan ng MLD Entertainment at isang Pinoy media company.
Sa Enero 8, 2025 na magsisimula ang broadcast nito.