Sandra Cam isiniwalat ang corruption sa gobyerno ni BBM sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

Sandra Cam isiniwalat ang corruption sa gobyerno ni BBM sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

NAGSALITA si Dating PCSO Board Member Sandra Cam sa ika-5 araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila kaugnay sa mga katiwalian ng gobyernong ito.

Inisa-isa nito ang nalalaman sa mga nangyayari sa kasalukuyang administrasyon ni Bongbong Marcos Jr.

Pinatamaan din nito si House Speaker Martin Romualdez kung saan parang aniyang sarili niyang pera ang ipinamimigay sa mga tao.

Dagdag nito bakit hindi puntahan ni Romualdez ang sarili niyang siyudad sa Tacloban at tulungan.

Binigyang diin din nito ang corruption sa PCSO kaya panawagan ni Cam na huwag nang magtaya sa Lotto.

Ayon kay Cam sa ngayong general manager ng ahensiya na si Mel Robles, na bilang na aniya ang araw nito.

Mariing sinabi ni Cam na alam nito ang pagkatao ni Robles o baka dahil corrupt official lang talaga aniya ito ever since kaya siya tinanggal ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noon.

Dagdag pa ni Cam, kinuha si Robles ng gobyernong ito dahil ang gustong ilagay o iluklok ng administrasyong ito ay lahat magnanakaw.

Sa hul sinabi nito na mahal niya ang Pilipinas at ang kalayaan ng bansa.

Kaya dapat na aniyang bumaba na sa Malacañang si BBM.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter