Sanggol at isang ina, kabilang sa mga 6 na namatay sa California shooting

Sanggol at isang ina, kabilang sa mga 6 na namatay sa California shooting

NASAWI ang anim na indibidwal kabilang ang isang 6 na buwang sanggol at nanay nito sa nangyaring pamamaril ng mga gunmen sa isang bahay sa California.

Ayon sa ulat ni Sherriff Mike Boudreaux ng Tulare County Sheriff’s Office, “targeted” attack ang nangyaring pamamaril at maaaring may kinalaman ito sa gang at drug violence.

Agad na rumesponde ang awtoridad 7 minuto matapos itong mai-report at dito natagpuan ang mga patay na katawan sa parehong loob at labas ng bahay.

Ayon pa kay Bourdreaux, binaril sa ulo ang 17 taong gulang na ina at ang kanyang anim na buwang sanggol na anak.

Dalawang katao naman ang nakaligtas sa pag-atake habang ilan sa mga sugatan ang binigyan ng emergency medical attention ng mga responders kung saan isa dito ay namatay rin.

Follow SMNI NEWS in Twitter