Sanggol na babae sa Gaza, iniligtas mula sa sinapupunan ng namatay na ina

Sanggol na babae sa Gaza, iniligtas mula sa sinapupunan ng namatay na ina

ISINAGAWA ang isang emergency c-section sa Gaza City para mailigtas ang isang sanggol na babae mula sa sinapupunan ng kaniyang namatay na ina.

Ayon sa isang doktor, stable na ang sanggol habang inilagay ito sa isang incubator sa Rafah Hospital.

Posibleng manatili ang sanggol ng tatlo hanggang apat na linggo sa ospital bago ito mai-turnover sa kaniyang mga kamag-anak.

Kasama sa namatay na ina ang asawa nito at anak na babae nang inatake ng Israel ang Gaza noong nakaraang linggo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble