Sangkaterbang mga baril, bala, patalim, cellphones atbp., nakumpiska sa compound ng Bilibid

Sangkaterbang mga baril, bala, patalim, cellphones atbp., nakumpiska sa compound ng Bilibid

GINALUGAD ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (Bucor) ngayong araw ang maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Kasunod na rin ito ng nangyaring pagpuga ng 4 na bilanggo kamakailan. Ikinagulat naman ng Bucor ang naging resulta ng kanilang operasyon.

Ikinasa na ng mga corrections officer sa New Bilibid Prison (NBP) ang kanilang mga armas, bilang pag hahanda sa gagawing operation greyhound o oplan galugad sa maximum security compound kung saan pumuga ang apat na notoryus na Persons Deprived of Liberty (PDL) kamakailan lang.

Ayon sa ulat, may mga bitbit na mga baril ang mga tumakas na PDL na ginamit laban sa mga empleyado ng BuCor na nagbabantay sa maximum security compound at nag resulta sa isang PDL at 3 Bucor personnel na sugatan.

Dahilan para mag sagawa ng malawakang inspeksiyon sa kada building sa loob ng maximum para malaman ang pinanggagalingan at kung mayroon paring natitira na mga baril, granada at iba pang kontrabando.

Kaya naman pinag sikapan ng mga BuCor personnel na makuha ang lahat na itinatagong mga patalim, ibat-ibang klase ng baril, sumpak, cellphones at iba pa.

Dahil may mga usap-usapan na maraming ginagamit na masasamang elemento upang pabagsakin si General Bantag para ibalik ang dating systema kung saan namamayagpag ang mga drug Lords sa loob ng maximum.

Hindi rin pinalampas ng BuCor ang isinagawang operation greyhound sa building 10 quadrant 4 kung saan inihiwalay ang mga Chinese nationals, karamihan pa sa mga ito ay druglords.

Kaya matapos ang galugad, sangkaterbang mga armas, bala, patalim at iba pang kobtrabando ang nakuha.

Para naman kay Arnold Guzman CT Supt ng BuCor di nila palalampasin ang mga ganitong gawain.

 ”Hindi namin itotolerate ang ganitong gawain,’’ayon kay Guzman.

Ayon pa kay Gabriel Chaclag spokesperson ng BuCor, matagal na ang mga nakuhang armas na ipinag yayabang pa di umano ng mga PDL sa Youtube, bago pa maupo ang kasalukuyang BuCor Chief na si Gerald Bantag.

‘’Nanjan ang mga old structures..dito sa loob ng bilibid prison,’’ayon kay Chaclag.

Para naman Kay BuCor Chief General Gerald Bantag, hindi nito hahayaan na muling mamayagpag ang maiitim na balak ng mga PDL sa loob ng maximum sa kaniyang pamamahala.

SMNI NEWS