Sanitation measure kontra surot, isinasagawa na sa NAIA-MIAA

Sanitation measure kontra surot, isinasagawa na sa NAIA-MIAA

PINATITIYAK ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines ang maigting ng sanitation measure sa lahat sa NAIA Terminal.

Matapos na nag-viral sa social media ang post ng dalawang pasahero na nabiktima na may kagat ng surot sa ilang upuan ng NAIA Terminal 2 at 3.

Inatasan din ni Ines ang mga terminal manager na magsagawa agad ng sanitation efforts upang hindi na madamay pa ang ilang mga pasilidad sa paliparan.

Hinihingan din ni Ines ng follow-up report sa loob ng 24 oras ang mga airport manager upan malaman ang resulta ng isinagawang sanitation measures.

Humihingi naman ng paumanhin ang MIAA sa mga pasahero na biktima ng bed bugs o surot.

Dahil sa nangyaring insidente ay agad nagsagawa ng medical assistance ang MIAA Medical Teams.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble