NAGPATULOY sa pagsasagawa ang Albay Health Office, Environmental Sanitation Services ng regular na disinfection activities sa mga quarantine facilities katuwang ang iba’t ibang ahensya at pagtatalaga ng mga strategic locations bilang parte ng sanitation program ng lokal na pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala ng 69 na bagong kumpirmadong kaso na nagpositibo sa COVID-19 ang probinsya ng Albay.
32 rito ay nagmula sa Legazpi City, 10 sa bayan ng Camalig, 10 sa Daraga, 8 sa Tabaco City, 3 sa Oas, 2 sa Guinubatan at tig-isa naman sa mga bayan ng Bacacay, Malinao, Manito at Tiwi.
Sa pinakahuling ulat 3,632 na ang recorded cases sa buong probinsya 1,727 rito ang may aktibong kaso 1,790 ang nakarekober na at 114 ang binawian ng buhay.