Sapat na suplay ng fertilizer, isa sa solusyon na matugunan ang kakulangan ng suplay ng agri products–negosyante

Sapat na suplay ng fertilizer, isa sa solusyon na matugunan ang kakulangan ng suplay ng agri products–negosyante

NINANAIS ni Wilson Lee Flores ng Anvil Business Club na magandang gamitin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa para magkaroon ng suplay ng fertilizer ang Pilipinas.

Kasunod ang komentong ito sa tumataas na presyo ng cake o bread products sa bansa.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Flores na isa sa problema para sa produksyon ng agri products sa bansa gaya ng asukal na sangkap ng tinapay ay ang mataas na halaga ng fertilizer.

Sa hakbang na ito, masosolusyonan na ang kakulangan ng asukal sa bansa at hindi na mag-aangkat pa na siyang nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng cake o bread products.

Maliban pa rito, suportado rin ni Flores na ang mga kumpanya na lang ang mag-angkat ng asukal at ang produksyon ng mga lokal na magsasaka ang ibibenta sa publiko.

Sinabi naman ni Flores na may sapat na suplay ng harina sa Pilipinas at hindi kulang.

Follow SMNI NEWS in Twitter