Sapat na trabaho, oportunidad sa negosyo tututukan ni Congressional Aspirant Bong Suntay

Sapat na trabaho, oportunidad sa negosyo tututukan ni Congressional Aspirant Bong Suntay

SAPAT na trabaho at negosyo, pagpatatayo ng karagdagang ospital at mga silid-aralan, at maayos na alokasyon ng pondo. Ilan lamang iyan sa tututukan ng isang abogado at congressional aspirant sa Quezon City.

“As people na may hanapbuhay, we also want to contribute to make our country a better one,” ayon kay Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, Congressional Aspirant.

Isa ito sa dahilan ng muling pagbabalik ni Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay sa politika— ang matulungan na maiangat ang buhay ng mga taga-4th district ng Quezon City.

Tumatakbo si Suntay bilang kongresista ng nasabing distrito.

“’Yung aking pagtakbo ay para may choice ‘yung tao. A choice for a better future for everyone,” ani Suntay.

Bilang isang bussinessman, isa sa mga programa na tututukan ni Suntay ay ang paglikha ng sapat na trabaho at oportunidad sa negosyo para sa mga taga-distrito kwatro.

“Our long-term goal is to be able to teach people especially the underprivileged individuals in our community to learn how to fish and learn how to work so that they could stand their own,” aniya.

Kabilang sa livelihood projects na itinaguyod sa 4th District noong siya ay nasa public service pa ay ang pagtatayo ng wet and dry market facilities para sa mga nagtitinda lang sa gilid ng kalsada.

Hindi pantay-pantay na distribusiyon ng ayuda sa 4th District ng QC, reresolbahin ni Atty. Suntay

Nais din resolbahin ng abogado ang hindi pantay-pantay na pamamahagi ng ayuda sa kaniyang distrito na aniya ay napopolitika.

Uso kasi aniya ang ‘lista at ekis’ sa distribution ng ayuda na kung ikaw ay supporter ng nasabing politiko ay nasa listahan ka habang ang hindi naman aniya sumusunod ay walang matatanggap.

“What we want is maibalik ‘yung purpose nito— to be able to give it to everyone who is in need— ‘yung mga taong nangangailangan regardless of their political affiliation, regardless kung sino ‘yung sinusuportahan nila,” aniya pa.

Isusulong din ni Suntay ang maayos na budget allocation para aniya mapondohan ang mga mahahalagang programa at proyekto.

Kabilang na rito ang pagpapaunlad ng educational system sa pamamagitan ng pagpatatayo na mga dagdag na silid-aralan, mas pagpapabuti ng healthcare facilities gaya ng East Avenue Medical Center, at pagdaragdag ng mga bagong ospital.

Tiniyak ng abogado na sa pagbabalik niya sa Kongreso ay magkakaroon ng boses ang mayorya sa mga Pilipino para maipaglaban ang para sa bayan.

“Ang gusto ko lang is to be able to add to the working legislators out there. So that majority of the people will have an additional voice to defend and to provide what is needed by our country so that we could move forward,” pagtatapos nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble