UMANI ng higit dalawang milyon at tatlong daang libo na mga bisita ang Sapporo Snow Festival ng Japan matapos alisin ang mga restriksiyon na ipinapatupad dahil sa pandemya.
Ayon sa mismong organizer, ang pagdalo ng maraming tao sa event ay isang malaking palatandaan na nakabawi na ang bansa mula sa pandemya matapos alisin ang health protocols.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng apat na taon mula nang magkapandemya na muling ipagdiwang ang isa sa pinakamalaking kaganapan ng taglamig sa bansa.
Ayon sa executive committee ng festival, ang malaking bilang ng mga bisita na dumalo sa nasabing okasyon ay nakatulong sa mga muling papasok na mga manlalakbay sa Japan.
Bago ang pandemya, ang Sapporo Snow Festival ay regular na nakakaakit ng higit sa 2 milyong mga turista taon-taon.
Subalit dahil sa pandemya, pansamantalang ipinatigil ang pagdiriwang noong 2021 at 2022.
Habang noong nakaraang taon naman, nakakuha lamang sila ng higit isang milyon at pitong daang libong bisita, ang pinakamababang bilang ng mga tao na dumalo sa nasabing event.
Sa loob ng walong araw simula noong Pebrero 4, mayroong 190 snow at ice sculptures na naka-display sa sikat na snow festival.