Sara Duterte, tumakbo bilang bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD

Sara Duterte, tumakbo bilang bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD

NAGHAIN ng certificate of candidacy si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio upang tumakbong bilang bise presidente sa darating na May 2022 elections.

Umanib si Sara Duterte sa partido Lakas-CMD bilang substitute kay Lyle Uy na nag-withdraw ng kanyang COC bilang bise presidente.

Matapos ang ilang sandali ng paghain ni Mayor Sara ay in-adopt naman ito bilang running mate ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. na tumatakbong presidente sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Matatandaan na nag-withdraw ng kanyang COC para sa reelection bilang Davao City mayor si Sara Duterte at nagbitiw mula sa kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ilang oras ng kanyang pag-alis sa HNP ay pormal itong nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sa harap ni House Majority Leader Martin Romualdez, ang presidente ng partido.

BASAHIN: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS-CMD

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.