Sarah G, pinasalamatan ang kanyang mga magulang sa ika-20 taon sa showbiz

Sarah G, pinasalamatan ang kanyang mga magulang sa ika-20 taon sa showbiz

PINASALAMATAN ng Pinoy Pop Superstar na si Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine Geronimo habang ipinagdiriwang nito ang kanyang ika-20 na taon sa show business.

Sa isang video na naka-upload sa kanyang official Facebook page, pinasalamatan ni Sarah G ang lahat ng naging parte ng kanyang buhay sa showbiz pati na ang kanyang mga magulang na hindi na nito nakausap simula nang pakasalan nito si Matteo Guidicelli.

Bukod dito ay pinasalamatan din ni Sarah ang kanyang asawa at mga fans.

Inilabas din ng singer at aktres ang kanyang bagong kantang “Habang Buhay” sa mga digital platforms.

Sinimulan ni Sarah G ang kanyang showbiz career nang manalo ito sa talent show na “Star for a Night” noong 2003 at bukod dito ay naging Box Office Queen na rin ito at isa sa pinakasikat na celebrity sa bansa hanggang ngayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter