NAKAKUHA ng 2 parangal si Sarah Geronimo mula sa 36th Awit Awards.
Nananatili ngang walang kupas ang Pinay Popstar Royalty!
Ito’y dahil mula sa naganap na 36th Awit Awards, nakuha ni Sarah Geronimo ang parangal na Best Performance by a Female Recording Artist.
Para ito sa kaniyang kantang “Dati-Dati”.
Maliban dito ay napili rin si Sarah bilang People’s Voice Favorite Female Artist.
Kaugnay rito ay kay Jarlo Base naman napunta ang parangal na Best Performance by a Male Recording Artist para sa kaniyang kantang “Kalapati” habang ang People’s Voice Favorite Male Artist ay si Anton Paras.
Si Ena Mori ang nakakuha ng Album of the Year Award para sa kaniyang “Don’t Blame the Wild One”.
“Uhaw” ng Pinoy rock band na Dilaw ang nakasungkit ng Record of the Year at Song of The Year Awards.
Samantala, ang Dangal ng musikong Pilipino ay ibinigay sa OPM veteran na si Rico Blanco.
Ginanap ang 36th Awit Awards nitong Nobyembre 9.