Sarah Lahbati, may mensahe ngayong World Kindness Day

Sarah Lahbati, may mensahe ngayong World Kindness Day

NAGPAHAYAG ng kaniyang makabuluhang mensahe ang aktres na si Sarah Lahbati sa social media.

Sa post ni Sarah, tinukoy nito ang tungkol sa kapangyarihan ng kabaitan.

Paalala ng celebrity mom, ”Laging piliin ang empathy, love at understanding ngayong araw ng World Kindness Day at maging sa araw-araw”.

Dagdag pa ni Sarah, kailangang hindi nakakalimutan ang kapangyarihan ng kabaitan dahil ang isang mabuting gawa ay nakapagpapaliwanag sa araw ng isang tao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter