Sarah Lancashire, wagi sa best drama performance ng National TV Awards

Sarah Lancashire, wagi sa best drama performance ng National TV Awards

KASABAY ng kaniyang pagkapanalo sa National TV Awards (NTAs), inamin ng BBC Crime Drama Actress na si Sarah Lancashire na nakaapekto sa kaniyang pag-iisip ang nararanasang menopausal syndrome.

Kuwento ni Sarah, kahit na noong tinanggap niya ang kaniyang award ay nararamdaman niya ang hot flushes.

Nabanggit din ni Sarah na nakararanas siya ng brain fog.

Nangyari aniya ito nang magtungo siya sa isang tindahan pero nakalimutan niya kung ano ang kaniyang bibilhin.

Si Sarah ay 58-years old at kilala bilang si Catherine Cawood sa British Crime Drama Series na ‘Happy Valley’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble