NAARESTO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) nitong Martes, Nobyembre 12 ang isang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang masaklap, peke ang lisensiya ng drayber ng sasakyan at walang dalang rehistro.
Bukod sa kaniya, natiketan din ang kasama nito sa convoy na motorsiklo na pag-aari din ng PDEA.
Nai-turnover naman ng SAICT sa Land Transportation Office (LTO) ang mga nahuli para pagpaliwanagin sa kanilang paglabag.