Sasakyang pandagat na nalubog sa baha, kinumpirma ng Philippine Navy

Sasakyang pandagat na nalubog sa baha, kinumpirma ng Philippine Navy

KINUMPIRMA ng Philippine Navy na sa kanila ang tatlong sasakyang pandagat na kumakalat na nalubog sa baha.

Sa isang statement, mga dating navy vessels nila ito na may pangalang BRP Rajah Humabon, BRP Sultan Kudarat at BRP Cebu.

Kasalukuyan anilang nasa graveyard dock nila ito sa Cavite kung saan nilalagay ang mga sasakyang nakatakdang mai-dispose.

Nilinaw nilang decommissioned na ito at tinanggal na ang lahat na magagamit pang equipments at materyales.

Wala namang nasaktan sa paglubog ng naturang mga barko.

Follow SMNI NEWS in Twitter