Satellite offices ng OVP, dadagdagan pa –VP Sara

Satellite offices ng OVP, dadagdagan pa –VP Sara

PLANO pang dagdagan ni Vice President Sara Duterte ang satellite offices ng kaniyang tanggapan sa susunod na taon.

Ito aniya ay para mas marami pang nangangailangan ang matutulungan ang Office of the Vice President (OVP).

Batay sa assessment kasama ang mga satellite managers, isa ang Eastern Luzon sa pagtatayuan nila ng opisina.

“Right now for next year mayroon kaming plans from 1 – 3 satellite offices,” ayon kay VP Duterte.

“Kung ilan talaga will end up with depende sa assessment namin because as an example sa ngayon, yung Dagupan office gets clients as far as Isabela. Pumupunta sila doon. Naghihire sila ng jeep. Nagbibiyahe sila papuntang Dagupan,” dagdag pa ni VP Duterte.


Follow SMNI NEWS in Twitter