Saudi Arabia, magiging host sa 2027 Asian Cup

Saudi Arabia, magiging host sa 2027 Asian Cup

MAGIGING host para sa 2027 Asian Cup ng football ang Saudi Arabia.

Kinumpirma ito ng Asian Football Confederation Congress sa Bahrain.

Sinasabing ito na ang paunang hakbang ng Saudi Arabia para sa isang bid na maging host naman sa 2030 World Cup.

Nauna nang napabalitang nakipag-usap ang Saudi Arabia sa pagitan ng Egypt at Greece hinggil sa joint hosting bid sa 2030 World Cup.

Sa kakatapos lang na 2022 World Cup, matatandaang ang Qatar naman ang naging kauna-unahang host ng naturang sporting event sa Middle East.

Follow SMNI NEWS in Twitter