Saudi Arabia, nakipagkasundo sa China sa paggawa ng electric vehicles

Saudi Arabia, nakipagkasundo sa China sa paggawa ng electric vehicles

NAKIPAGKASUNDO ang Ministry of Investment ng Saudi Arabia ng 5.6-B dollar deal sa pagitan ng Chinese electric car maker na Human Horizons.

Para ito sa pag-develop, pag-manufacture at pagbebenta ng electric vehicles sa kanilang bansa.

Sinabi na ng Saudi na ninanais nila ang magkaroon ng domestic electric vehicle manufacturing industry at isa sa magandang katuwang dito ang Human Horizons.

Matibay na ang ugnayan ng Saudi Arabia at China hinggil sa langis subalit isa na ito sa mga hakbang para mapalawig pa ang ugnayan sa ibang sektor.

 

 

Follow SMNI NEWS in Tiktok