PUMIRMA ang Saudi Arabia renewable developer na ACWA Power ng pitong bilyong dolyar na kasunduan kasama ang dalawang Thai state owned companies para mag-develop ng green hydrogen sa Thailand.
Ang ACWA Power ay isang nangungunang Saudi developer operator at investor ng power generation sa buong mundo.
Ang dalawa na state owned firms ng Thailand na pumirma ng kasunduan dito ay PTT Public Company Limited (PTT) at Electricity Generating Authority of Thailand.
Ang memorandum of understanding ay makakatulong sa Thailand na matustusan ang domestic need nito sa enerhiya.
Una nang nangako ang Thailand na nais nitong maging carbon neutral sa taong 2050 at maabot ang net zero emission sa taong 2065.
Inihayag din ng Thailand na magkakaroon ito ng Six-Point Plan para masiguro ang pagkakamit ng hangarin nito sa carbon neutrality.