Saudi Arabia, susuportahan ang French drama ni Johnny Depp

Saudi Arabia, susuportahan ang French drama ni Johnny Depp

SUPORTADO ng Saudi Arabian Film na Red Sea Film Foundation ang isang bagong palabas na pagbibidahan ni Johnny Depp.

Ang palabas ay isang French period drama kung saan gaganap bilang King Louis XV si Johnny Depp.

Ayon sa Red Sea Film, target nilang mapatatag ang ugnayan ng Saudi at French Cinema sa pamamagitan nito.

Umaasa rin ito na magiging daan ang collaboration nila sa pagitan ng French Cinema sa mas marami pang international film collaborations.

Bilang suporta na rin ito ng Red Sea sa women filmmakers gaya ng actress na si Maiwenn ng France.

Hindi na idinetalye ng Red Sea kung magkano ang kanilang i-invest para sa French drama.

Samantala, ang French drama na ito ay ang kauna-unahang major role ni Depp simula nang magkaroon ito ng defamation trial sa pagitan nila ng kanyang dating asawang si Amber Heard.

Follow SMNI NEWS in Twitter