IPINAHIWATIG ng Kingdom of Saudi Arabia kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang intensiyon nitong mamuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa isang panayam sa sideline ng kaniyang pagdalo sa ASEAN-Gulf Cooperation Council
(GCC) Summit sa Riyadh, sinabi ni Pangulong Marcos na ang MIF ay nakatanggap ng positibong tugon hindi lamang mula sa Saudi Arabia, kundi pati na rin ng iba pang mga bansa sa Gulpo.
“And I am very encouraged and quite happy by the fact that the reaction that we got from our partners in Saudi Arabia and in other countries has been very, very encouraging at gusto talaga nila na magkaroon, na tumulong at makilahok sa ‘ting investment dahil naipakita naman natin na magandang invest talaga para sa kanila ito” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ipinakilala ni Pangulong Marcos ang bagong inilunsad na MIF sa naturang summit at ipinahayag ang kahandaan ng Pilipinas para sa mas malalim na economic partnership sa rehiyon at sa Gulpo.
“We introduced to them the Maharlika Investment Fund, and that was, that has proceeded very quickly and we have gone into, we have already started, we detailed talks with their PIF, which is the equivalent here in Saudi Arabia. It is their investment fund and how we can do it, how we can work together” dagdag ni Pangulong Marcos.
Nagpahayag si Pangulong Marcos ng kumpiyansa na ang MIF ay magiging mas kaakit-akit ngayon sa foreign investors habang sinimulan itong ipakilala ng bansa sa mga potensiyal na mamumuhunan.
“I’m confident that once we get it operationalized, once we are able to start talking in detail with not only the investment funds but even private corporations and other governments as well, and that is, that is precisely the role that we have envisioned for, for the sovereign fund, the Maharlika Fund,” ayon pa sa Pangulo.
Dumalo si Pangulong Marcos sa ASEAN-GCC Summit kung saan nakilala niya ang mga pinuno ng dalawang regional blocks at tinalakay ang investment opportunities sa Pilipinas.