Saudi gov’t, babayaran na ang P4.6B unpaid salaries ng mga OFW sa Disyembre

Saudi gov’t, babayaran na ang P4.6B unpaid salaries ng mga OFW sa Disyembre

POSITIBO si Labor Secretary Silvestre Bello III na babayaran na ng pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang P4.6B unpaid salaries ng 9,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na napilitang bumalik sa Pilipinas matapos silang tumigil sa pagtanggap ng sahod sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Bello maaaring sa pagbisita ni Kingdom of Saudi Arabia Labor Minister Ahmed Al-Rajhi sa bansa sa Disyembre maibibigay ang naturang bayad.

“So the unpaid salaries of our OFWs can be settled just in time for Christmas,” saad ng Labor Chief.

Matatandaan nitong nakaraang linggo nagpunta sa KSA si Bello para dumalo sa Abu Dhabi Dialogue, para talakayin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa Asia at labor destinations.

Pero bago ang naturang pagpupulong ay una nang inimbitahan ni Al-Rajhi si Bello para sa isang private meeting para pag-usapan ang nasabing unpaid salaries.

Umapela din ang KSA labor executive na tanggalin na ang suspensyon sa Arab mega recruitment agencies na sinasabing responsable sa deployment ng mga OFW na mayroong unpaid salaries at benefits.

Tiniyak ni Bello kay Al-Rajhi na aalisin ang deployment ban kapalit ng pagbayad sa unpaid salaries ng mga OFW.

Nagpapasalamat ang Labor chief dahil naging mabunga ang pag-uusap nila ng kanyang counterpart.

Matatandaang nitong buwan una nang umapela si Bello kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpataw ng deployment ban sa Saudi Arabia kung sakaling hindi para rin mabayaran ang mga sahod ng mga OFW pagkatapos ng Abu Dhabi Dialogue.

Taong 2016 ay pinangunahan ng pangulo at ng Labor chief ang pagpapauwi sa libu-libong OFW dahil bigong mabayaran ng kanilang kumpanya ang kanilang mga suweldo at mga benepisyo.

Samantala, para kay Pastor Apollo C. Quiboloy, ang executive Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ at chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI), tama ang ginawang hakbang ni Bello.

“Tama yun kasi ayusin muna ang pagbayad sa 9000 OFWs,”saad ni Pastor Apollo.

SMNI NEWS