SBP at Jiu-Jitsu PH, tatanggap ng parangal sa gaganaping SMC-PSA Awards Night

SBP at Jiu-Jitsu PH, tatanggap ng parangal sa gaganaping SMC-PSA Awards Night

KIKILALANIN sa SMC-PSA Awards Night ngayong Enero 29, 2024 bilang National Sports Associations of the Year ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Jiu Jitsu Federation of the Philippines (JFP).

Sa SBP, ang parangal ay para sa matagumpay na co-hosting ng bansa sa FIBA World Cup maging ang panalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games sa Hangzhou, China.

Kasunod din ang parangal nang makasungkit ng puwesto ang National Basketball Team sa qualifying tournament para sa 2024 Paris Olympics.

Para sa panig ng JFP, nakasungkit ang bansa ng dalawang gold medals sa Asian Games at marami pang mga panalo mula sa World Combat Games sa Saudi Arabia at World Festival Jiu-Jitsu Championships sa Abu Dhabi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble