BINASURA ng Supreme Court (SC) ang naihaing Motion for Reconsideration (MR) matapos nitong idineklarang unconstitutional ang 2005 Oil Agreement ng bansa kasama ang China at Vietnam.
Dahil sa kawalan ng merito kaya hindi pinanigan ng SC En Banc ang MR sa naging ruling ng Kataaas Taasang Hukuman sa 2005 Tripartite Agreement for the Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) ng Pilipinas kasama ang Vietnam at China.
Matatandaan, Enero 2023 nang idineklarang unconstitutional o labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema ang JMSU na nilagdaan ng tatlong bansa noong 2005.
Ang tripartite agreement ay para sa joint oil exploration deal sa 142,886 square kilometers area o agreement area sa South China Sea.
Sa pagbasura ng MR, ay muling iginiit ng SC na ang JMSU ay unconstitutional dahil sa pagkakaroon sa kasunduan ng exploration sa natural resources.
“The court reiterated the JMSU is unconstitutional as it involves the exploration of natural resources. It noted that since the objective of the JMSU as stated in its Fifth Whereas Clause is “to engage in a joint research of petroleum resource potential” in the Agreement Area, the agreement clearly involved exploration,” pahayag ng Supreme Court of the Philippines.
Ang naging contention ng respondents ay hindi kasama sa JMSU ang exploration sa pamamagitan ng pag-atake sa depenisyon ng salitang exploration sa ilalim ng R.A. No. 387.
Ito umano ay na-repeal na sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 87 o ng Oil and Exploration and Development Act of 1972.
Giit naman dito ng korte, ang PD No. 87 ay hindi nagbibigay ng ibang depenisyon para sa terminong exploration.
Hindi rin umano nito inilalarawan ang naturang depenisyon.
“The contention of respondents who insisted that JMSU does not involve exploration by attacking the definition of the term “exploration” under R.A. No. 387, arguing that it was already repealed by Presidential Decree (PD) No. 87 or the Oil and Exploration and Development Act of 1972, among others,” dagdag ng Supreme Court.
“The Court held that PD No. 87 does not provide a contrary definition for the term “exploration” and does not at all define “exploration,” ayon pa sa Supreme Court.
Ayon sa korte, para maging valid ang JMSU, ito ay dapat maimplementa sa mga iba’t ibang modes sa ilalim ng Section 2 ng Article XII ng Konstitusyon na una, sa pamamagitan ng estado, pangalawa, sa pamamagitan ng co production, joint venture o production-sharing agreements kasama ng Filipino citizens o mga qualified corporations; pangatlo, sa pamamagitan ng small-scale utilization ng natural resources ng mga Filipino citizens; at pang apat sa pamamagitan ng mga kasunduan na pinasok ng Presidente kasama ang mga foreign-owned corporations.
At ang JMSU anila hindi pasok sa unang tatlong modes dahil sa involvement ng mga foreign-owned corporations.
At para maging valid ang ikaapat na mode, ang JMSU ay ipinasok mismo ng Presidente.
Sa kaso ng JMSU ay hindi naging signatory ang Presidente at ang naging contracting party ay ang Philippine National Oil Company (PNOC)
“The JMSU, the court held, does not fall into the first three modes since it involves foreign-owned corporations. For an agreement/contract under the fourth mode to be valid, it must foremost be entered into by the President himself or herself. In the case at bar, the President is neither a party nor a signatory to the JMSU and the contracting party is PNOC,” ayon sa Supreme Court.