ALAS-otso pa lang ng umaga, mahaba na ang pila sa labas ng Supreme Court ng mga nag-aabang ng resulta ng 2024 BAR Examinations.
Bandang alas-dos ng hapon, doon pa lang nagsimula ng magpalabas ng resulta ng exam sa dalawa malaking LED Screen sa SC courtyard.
Naka-livestream din sa official page ng Supreme Court ang pagpapalabas ng resulta.
Maya-maya’y bumuhos na ang iba’t ibang emosyon sa SC Courtyard.
Ang nanay, bigla na lang natumba sa sahig nang makita sa screen na pumasa ang kaniyang anak
Humagulgol din ng iyak ang mag-bestfriend na parehong pasado sa BAR Examinations.
All smiles din ang bar passer na si Hazel kasama ang kaniyang AMA.
Hindi naging madali ang kaniyang naging preparasyon sa exam lalo pa’t isa siyang working student.
Batay sa anunsyo ni Supreme Court Associate Justice at Bar Examination Chairperson Mario Lopez, 3, 962 ang pumasa mula sa mahigit 10,000 na kumuha ng exam noong nakaraang Setyembre.
Katumbas ito ng 37.84 percent na passing rate.
Kanina’y nagkaroon ng delay sa pagpapalabas ng resulta ng exam dahil sa last minute na pagbabago sa passing grade.
Mula sa 75 percent na passing grade ay binaba ito sa 74 percent.
Ayon kay Associate Justice Lopez, gusto ng mga mahistrado na mas maraming makapasa at maging abogado.
Dahil sa pagbaba ng passing grade, halos isang libo ang mga bagong abogado katumbas ng 7% sa 37.84 % o 3,962 na pumasa ngayong taon.
Samantala, nagmula sa University of the Philippines ang TOP 1 sa Bar Exam na si Kylie Christian Tutor.
22 bagong lawyers naman ang nagmula sa Jose Maria College Foundation Inc. —College of Law matapos ilabas ang resulta ng bar exams.
Sa nasabing bilang—19 rito ang first time takers na may 73.08% pass rate.
Nasa 59.46% naman ang pass rate ng JMCFI College of Law para sa 2024 BAR Exams na mataas sa 37.84 percent national pass rate sa taong ito.
Kabilang sa mga bagong JMARIAN Lawyers ay ang mga sumusunod:
Mga bagong abogado mula sa JMCFI College of Law:
Atty. Roselyn Mia Abella
Atty. Vicki Amorio
Atty. Jayward Baco
Atty. Alpher Caingles
Atty. Karl Felypp Catungal
Atty. Leilane Geromo
Atty. John Mark Hernandez
Atty. Chrezel Lao-Tabas
Atty. Rizz Monique Macato
Atty. Michael Kenneth Mamaril
Atty. Marlon Louie Manalo
Atty. Gridlin Matilac
Atty. Samuel Mercado III
Atty. Eloisa Joyce Militar
Atty. Jennylyn Mondejar
Atty. Mark Anthony B. Mulit
Atty. Glene Nalla
Atty. Jean Marcelo Pabres
Atty. Jose Paolo Pacquiao
Atty. Rovelyn Paraan
Atty. Almer Rodphil Tinapay at
Atty. Ruby Anne Trinidad
Sa isang pahayag—sinabi naman ng JMCFI College of Law Dean, Atty. Israelito Torreon na malaki ang pagsaludo nito sa mga bagong abogado ng JMCFI dahil bukod sa napagtagumpayan nila ang BAR Exam ay nanaig rin ang mga ito sa hamong dala ng KOJC Siege.
Payo ng BAR Chairperson sa mga pumasa, manatiling mapagkumbaba.
Habang sa mga bumagsak, Ayon kay Lopez, hindi sila dapat sumuko.
‘’Remember, that failure is temporary detour not a fatal defeat. Rise above it, move forward, try again. Never loose the reason why you want to become a lawyer,’’ Associate Justice Mario Lopez said.
Isasagawa ang oath taking ceremony at pagpirma sa Roll of Attorneys sa January 24, 2025 sa SMX Convention Center sa Pasay City.