Scammer na ginagamit ang pangalan ni BBM, inaresto ng NBI

Scammer na ginagamit ang pangalan ni BBM, inaresto ng NBI

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng scammer kung saan ginamit nito ang pangalan ni Atty. Vic Rodriguez, ang chief-of-staff ni presidential frontrunner Bongbong Marcos.

Modus operandi umano ng suspek at ng kanyang mga kagrupo na manghingi ng tulong gamit ang pekeng FB account ni Rodriguez upang ibigay ang tulong sa mga biktima ng Bagyong Agaton.

Nadakip ang suspek base sa reklamong isinampa nina Rodriguez at ni Arsenio Boy Evangelista ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nitong araw ng Lunes lamang daw nang mag-chat ang suspek kay Evangelista.

“Nag-facebook request using the name of Atty. Vic Rodriguez. So, ang ginawa ko in-accept ko siya. So akala ko naman talaga kasi kilala ko naman talaga si Atty. Vic, alam ko yung number niya. So nagtaka lang ako medyo iba yung mga dating niya, very unlikely yung mga chat niya no,” pahayag ni Evangelista.

Kwento pa nito, ginamit daw sa modus ng suspek ang pamimigay ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Agaton.

Pinalabas daw ng suspek na magpapadala ang kampo ni BBM ng tulong sa mga binagyo hanggang sa nagsingit ito ng shipping fee.

“Okay na, medyo nag-initiate na ulit siya ng mga chats na lahat mga relief goods o mga tulong naka-ready na except for ito na yung pinasok niya yung shipment fees amounting to 140,000 to 160,000. Nai-transfer nagbigay siya ng BDO account ang pangalan ng tao,” ayon kay Evangelista.

Dito na umano nagpasya si Evangelista na i-report ang suspek sa NBI na agad namang tinugunan ng mga otoridad.

Naaresto ang suspek noong gabi mismo ng Abril 18, sa mismong lugar ng nito sa Bulacan.

Nakuha sa kanya ang isang iPhone 6 unit, isang piraso ng BDO ATM card at resibo ng Cebuana Lhuillier Pera Padala.

Sa kanyang panig, itinanggi ni Cardenas ang sumbong laban sa kanya.

Babala naman ni Evangelista sa mga may balak mang-scam na huwag nang magtangka pa dahil nakatutok sa kanila ang mga otoridad.

Lalo pa’t ang reklamo niya, wala pang 24 oras ay naaksyunan.

“Within 24 hours na-account kaagad, natunton nila kung saan nanggagaling at natechnical at na-entrap nila ano, pumayag. Pero yung layering no may mga ginamit pa silang ibang tao. So anyway itong insidenteng ito is sending a strong message sa mga may balak pa na gumawa ng mga ganitong klaseng krimen at may paglalagyan din sila because yung law enforcement natin, NBI, PNP is nagtatrabaho talaga noh,” dagdag pa ni Evangelista.

Follow SMNI News on Twitter