IMINUNGKAHI ng isang samahan ng retailers na magkaroon na lang ng scheduling para sa mall wide sales lalo na kung magkalapit ang dalawang malls.
Nakatutulong anila ito para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko na kinatatakutang mangyari ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong holiday season.
Matatandaang sinabi ng MMDA na maaaring magsagawa ng sales ang mga mall basta’t walang gagawing major promotions para dito.
Sa paliwanag pa ng naturang samahan, ‘defeated’ pa rin ang purpose ng mall sales kung walang promosyon kung kaya’t ang mas mainam gawin ang pagkakaroon na lang ng scheduling.
Dagdag pa nila, tanging sa holiday season lang makakabawi ang retailers at store owners kaya huwag nang ipagbawal anila ang mga sale.
Makakabenepisyo naman ang pamahalaan mula dito ayon sa PRA dahil madadagdagan ang VAT payments.