MULING pinagtibay ang pagbibigay ng mga scholarship grant sa mga anak ng mga kawani ng gobyerno na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Ito ay matapos lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang Philippine Civil Service Commission at Philippine Association of State Universities and Colleges para sa naturang scholarship grants.
Layon ng tinatawag na Pamanang Lingkod-Bayan Iskolarsyip (PLBi) na bigyan ng scholarship ang asawa at kapwa lehitimo at illegitimate na mga anak ng empleyado o opisyal na nasawi dahil sa kanilang trabaho.
Sakop din ng nasabing scholarship program ang kahit anong kurso para sa tuition fee at iba pang bayarin habang may discount naman sa postgraduate studies sa isang miyembro ng pamilya.
Ang naturang programa ay naglalayong parangalan ang civil servants sa kanilang dedikadong performance o sa pagganap ng kanilang mga opisyal na tungkulin o responsibilidad.