Russia, nagbigay ng 1,000 scholarships sa Vietnam

SCHOLARSHIP na mahigit 1,000 ipinagkaloob sa mga Vietnamese citizens ng Russian government ngayong taon upang ipagpatuloy ang pag-aral sa mga Unibersidad at Institusyon ng Russian Federation.

Nagbigay ng shcolarship para sa mga estudyante ng Vietnam ang Russian Federation.

Ang mga scholarship ay parte ng education cooperation agreement na pinirmahan sa pagitan ng Vietnam at Russian Federation.

Ang Vietnamese Ministry of Education and Training at ang Russian Cooperation Agency ay kinatawan ng Russian Centre for Culture and Science.

Inanunsyo ng bansang Vietnam na nagsimula ng kumalap ng mga kandidato para sa scholarship programme.

Ang magbebenepisyo rito ay mga residente ng Vietnam na nais kumuha ng bachelor’s degree, at doctor’s degree at magsilbi ng internship sa mga ospital.

Ang mga kandidato para sa nasabing scholarship ay kinakailangang dumalo sa pre-sessional course ng Russian language bago sumailalim sa training.

Ang edukasyon ang isa sa mga mabisang pagtutulungan sa pagitan ng bansang Vietnam at Russia.

Nasa 10,000 na na Vietnamese ang nag-aral sa Russia, at marami sa kanila ang may hawak na pangunahing mga posisyon sa mga ahensya ng estado sa kanilang pagbabalik sa sariling bayan.

Samantala, sa naganap na pagpupulong ng mataas na antas, ang mga pinuno ng dalawang bansa ay sumang-ayon na dagdagan ang kooperasyon sa edukasyon kasama na ang palitan ng studyante.

Noong nakaraang taon, 965 scholarship rin ang ipinamahagi ng Russia sa Vietnamese students.

(BASAHIN: 2-M estudyante sa Hanoi, babalik na sa in-person learning sa Marso 2)

SMNI NEWS