NANGAKONG bubuhayin ni dating senador at presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang scholarship program na ipinatupad noong administrasyon ng kanyang yumaong ama.
Ito ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga kwalipikadong kabataang mahihirap na makapag-aral sa ibang bansa.
Ayon kay BBM, ang bawat ahensiya at kagawaran ng gobyerno ay dapat may scholarship program.
Inalala pa nito na noong nanunungkulan ang kanyang ama bilang pangulo ay libo-libong mag-aaral ang ipinadala ng gobyerno sa abroad upang makapag-aral.