ISINUSULONG ang isang panukalang batas sa House of Representatives na naglalayong magbigay ng scholarship grants at tuition assistance para sa mga anak ng mga magsasaka at mangingisda.
Layon ng House Bill 8423 na isinusulong ni Rep. Howard Guintu ng Pinuno Party-list na mabigyan ng libreng edukasyon ang mga miyembro ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gastusin nito sa eskuwelahan mula grade school hanggang kolehiyo.
Sa ilalim ng panukala, ang mga anak at dependents ng mga magsasaka at mangingisda na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay makakakuha ng full scholarship kasama ang tuition, miscellaneous at iba pang fees, lodging, transportation, pati na allowance para sa libro, damit at pagkain.
Iginiit ni Guinto na ang edukasyon ay isang karapatan na dapat na matamasa ng lahat ng tao mula sa iba’t ibang estado ng buhay.