NANGANGAILANGAN ng karagdagang budget ang school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) para sa isang buong taon.
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, naghahanap ang DepEd ng makakatuwang para sa nasabing programa.
Paglalahad ni VP Duterte na ang inaprubahan na pondo para sa feeding program sa mga eskwelahan ay para lamang sa 120 araw.
Dagdag ng pangalawang pangulo na batay sa batas, kinakailangang gawin ng 220 araw ang school-based feeding program.